MANILA, Philippines – Limang katao ang nasawi sa banggaan ng jeep at dump truck sa bayan ng Matalam, North Cotabato.
Kaagad nasawi sina Jobaida Abdulhawab, 50, at Talutawan Kungan, 60, habang sa ospital binawian ng buhay sina Guiamela Talutawan, 50, Rebecca Litugan, 40, at driver ng jeep na si Juhanel Bansuan.
Sinabi ni Chief Inspector Elias Colonia ng Matalam municipal police na ang 17 pasahero ay nagpapagaling pa sa iba’t ibang ospital.
Papunta sana sa bayan ng Pikit ang jeep nang mawalan ng kontrol ang tsuper na si Bansuan bago sumalpok sa kasalubong na trak.
Kaagad sumuko ang tsuper ng dump truck na si Salahudin Baliwan at ibinigay ang kanyang lisensya at rehistro ng sasakyan.