TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Nagpasyang magpasalubong kay kamatayan ang 38-anyos na misis na sinasabing tinarayan ng kanyang mister matapos itong uminom ng insecticide sa likurang ng kanilang bahay sa Barangay Caniogan, bayan ng Sta. Teresita, Cagayan kamakalawa.
 Kinilala ni PO1 Richard Manaday ang biktima na si Corazon Malabag na dinamdam ang pagdarabog ng kanyang mister na si Marjoe Malabag nang kanyang hiniling dalawin ang kanilang dalawang anak na estudÂyante na nag-aaral sa Isabela.
 Ayon sa police report, nang manghingi ng mainit na kape ang biktima saka tinungo ang bakanteng lote sa tabi ng kanilang bahay.
 Dito na natagpuan ang bangkay ng biktima kung saan narekober sa bulsa ng biktima ang sachet ng insecticide na sinasabing inihalo sa kape bago ininom.