MANILA, Philippines - Pito-katao ang dinakma matapos salakayin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ang isang gusali na sinasabing may operasyon sa expanded anti-trafficking sa bayan ng Lingayen Pangasinan.
Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Renato Pinlac ng San Carlos Regional trial Court Branch 57 sa Pangasinan inaresto ang mga suspek na sina Takayuki Umeda, 42; Jyunko Natori, 42; Masahiro Kishigami, 26; mga Hapones; Rafael Tandoc, 25; Josephine Gille, 34; Leo nora Ceralde, 38; at si Erlinda Tandoc, 40.
Sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Benjamin MaÂgalong, hepe ng CIDG, sinaÂlakay ang The Kame Hachi Corporation sa Avenida Street, Rizal West, sa nasabing bayan.
Pinangunahan nina P/Supt. John Goyguyon, hepe ng CIDG-Anti Transnational Crime Division (CIDG-ATCD) at Presidential Anti-Organized Crime Commission P/Insp. Jessie Bulan; at ng Inter Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang pagsalakay sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, hinihikayat ng mga suspek ang mga dayuhan na magpunta sa bansa at magsisilbing tour guide ang mga ito kung saan magaganap ang prostitusyon.
Nasamsam ang mga gamit tulad ng laptop, computers, CCTV cellphones, sasakyan at iba pa.
Wala namang maipakitang kaukulang dokumento ang mga suspek para sa kanilang operasyon.