Manugang dinedo ng biyanan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Sinaksak at napatay ng 59-anyos na biyanan ang kanyang manugang na hepe ng barangay tanod matapos mapikon sa mga binitiwang salita kamakalawa sa Barangay 15, bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte. Kinilala ni P/Chief Insp. Dominic Guerrero, hepe ng San Nicolas PNP ang biktima na si Roy Rosales habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Primo Cannon kapwa nakatira sa nasabing barangay.
 Lumilitaw na lango sa alak ang biktima nang umuwi kung saan nagbitiw ito ng hindi magagandang salita  laban sa biyenan.
 Nauwi sa mainitang komprontasyon ang dalawa kung saan napikon ang suspek at isinagawa ang pana­naksak.

Show comments