MANILA, Philipines – Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Surigao del Norte ngayong Lunes ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naitala ang sentro ng lindol sa 15 kilometro silangang kanluran ng Malimono, Surigao del Norte ganap na 1:30 ng hapon.
May lalim na 19 kilometro ang lindol na tectonic ang origin.
EQInfo#1: 17Mar2014;01:30PM; Mag5.4 Depth=19km; 09.49N, 125.38E or 15km S9W of Malimono,Surigao del Norte. Int V... http://t.co/YvYAcBPJow
— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) March 17, 2014
Naramdaman ang Intensity 5 sa Placer, Surigao del Norte, habang Intensity 4 sa lungsod ng Surigao at Intensity 3 naman sa Butuan City.
Walang naiulat na nasaktan sa lindol, ngunit may aftershocks na inaasahan ang Phivolcs.