Inaway ng nobya, nagbigti
CAVITE , Philippines – Sa ikalawang pagkakataon ay sinalubong na ni kamatayan ang 36-anyos na lalaki na sinasabing nakipag-away sa kanyang nobya matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay Poblacion 5, bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite kahapon ng umaga. Bandang alas-7 ng umaÂga nang matagpuang nakabitin sa kuwarto ang biktimang si Astero Paleso, ng Blk 8 Lot 109 sa nasabing bayan. Ayon kay P01 Bobby Balazo, lumilitaw na dinamdam ng biktima ang pakikipag-away sa kanyang nobya kaya isinagawa ang suicide. Napag-alamang nagtangka na ring mag-suicide ng biktima dahil sa away ng kanyang nobya subalit naagapan ng kanyang utol. Wala naman iniwang suicide note ang biktima.
- Latest