Apo inutas ng lolo

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  â€“ Napatay ang 17-anyos na apo matapos saksakin ng kanyang lolo na sinasabing napikon sa inasal ng kanyang mga kaibigan sa Barangay Panicuason, Naga City, Camarines Sur kahapon ng umaga. Hindi na umabot ng buhay sa Bicol Medical Center ang biktimang si Edwin Jallores Jr. habang sugatan naman ang lolo na si Felicimo Jallores, 70, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa police report, lumilitaw na magkakasamang nagkukuwentuhan ang  biktima  at dalawa nitong kaibigang sina Nelson De Jesus at Francis Indico nang lapitan ng suspek. Kinompronta ng suspek ang kanyang apo saka inundayan ng saksak kung saan nanlaban naman ang binatilyo kahit sugatan. Kapwa isinugod sa nasa­bing ospital ang maglolo subalit namatay ang biktima habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments