1 patay, 10 nawawala sa salpukang bangka at barko sa Cavite

MANILA, Philippines — Isang mangingisda ang patay, habang 10 kasamahan nito ang nawawala matapos bumangga ang kanilang bangkang pangisda sa isang barko sa Manila Bay.

Sinabi ng tagapagsalita ng Philippine Coast Guard na si Lt. Cmdr. Armand Balilo na Miyerkules ng gabi naganap ang insidente sa katubigang sakop ng probinsiya ng Cavite.

Narekober na ang katawan ng nasawing mangingisda, habang ligtas na ang 12 kasamahan niya pero 10 pa ang nawawala.

Ayon sa ulat kaagad lumubog ang 15-metrong bangkang gawa sa kahoy matapos banggain ng hindi pa malamang barko.

Ayon sa mga nakaligtas ay may lamang steel containers ang naturang barko na pinaghahahanap pa rin hanggang ngayon.

Show comments