Ama dinedo sa harap ng mag-ina

BULACAN , Philippines   â€“ Napatay ang 53-anyos na magsasaka matapos na pagbabarilin ng nag-iisang gunman sa harap ng kanyang mag-ina sa Barangay Labne, bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng gabi. Dalawang bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Edwin Serdeñas ng nabanggit na bayan. Ayon kay PO2 Merwin Mendez, nagmamaneho ng traysikel ang biktima  kasama ang mag-ina nang mapahinto ito dahil sa nakahambalang na kahoy sa kalsada. Tinangkang alisin ng biktima ang mga kahoy subalit nilapitan siya at binaril ng di-kilalang lalaki kung saan nasaksihan ng kanyang mag-ina ang naganap na pamamaril.

 

Show comments