^

Probinsiya

Bulacan gov. pinagpapaliwanag sa pondo ng SEF

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines   - Hiningan ng paliwanag ng Bulacan Alliance Against Graft and Corruption (BAAGAC) si Bulacan Gov. Willy Alvarado kaugnay sa napaulat sa mga pahayagan na aabot sa P10-milyon mula sa Special Education Fund (SEF) ang nagastos ng di-naaayon sa batas na naglikha nito. Nakiusap din ang BAAGAC kay Alvarado na ilahad sa taumbayan ang lahat ng dokumento tungkol sa napaulat sa mga pahayagan, gayundin ang mga papeles ng aktwal na kalagayan ng pondo ng lalawigan sa kasalukuyan. Ayon sa mga ulat, nakita ng Commission on Audit (COA) sa pagsusuri noong 2012 na ang P10 milyon ay naubos sa pamamagitan ng mga donasyon at tulong. Kabilang sa mga do­nasyon ay tulong pinansyal sa mga may-sakit at pagpapalibing ng mga kapuspalad at mga donasyon sa  mga non-government organizations (NGO) at mga pribadong samahan na hindi opisyal na kinikilala ng pamahalaang panlalawigan. Subalit ayon din sa ulat, malinaw sa batas na naglikha ng SEF na ito ay magagastos lamang sa mga pang-edukasyon na programa o aktibidad kaya dapat na linawin ito ni Gov. Alvarado sa aming mga taga-Bulacan.

ALVARADO

AYON

BULACAN

BULACAN ALLIANCE AGAINST GRAFT AND CORRUPTION

BULACAN GOV

HININGAN

KABILANG

SPECIAL EDUCATION FUND

WILLY ALVARADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with