MANILA, Philippines - Malagim na kamatayan ang sinapit ng 51-anyos na stay-in wrecker/mekaniko matapos itong mabagsakan ng 2 toneladang makina sa garahe ng transport business sa San Pedro City, Laguna kamakalawa ng hapon. Sa ulat ni P/Supt. Sergio Manacop, hepe ng San Pedro City PNP, naganap ang sakuna sa garahe ng Sampaguita transport sa national highway ng Barangay Nueva dakong alas-3 ng hapon. Ayon sa imbestigasyon, isinasakay ng biktimang si Ricardo Marin at ng mga kasamahang sina Diosdado Arabis, 40, warehouseman; at Jose Barlao, 59, driver, ang lathe machine (torno) sa wrecker truck ng HM transport nang biglang kumalas ang hook sa chain block. Bunsod nito, ay nahulog ang makina na may bigat na dalawang tonelada na bumagsak sa biktima.