Foreman itinumba ng tandem

MANILA, Philippines - Napaslang ang 32-anyos na foreman  sa coal tunnel makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa bisinidad ng Purok 8, Barangay Tabon, Bislig City, Surigao del Sur kamakalawa. Idineklarang patay sa Andres Soriano Memorial Hospital ang biktimang si Rene Sajali na nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol. Pinaniniwalaang mga dating trabahador sa coal tunnel na sinibak ng biktima ang nasa likod ng krimen.

Show comments