CAVITE, Philippines – Sa paniniwalang kinukulam na nagresulta sa paglutang ng ibat’ ibang sakit sa katawan kaya nagÂdesisyon ang 33-anyos na misis na magpasalubong kay kamatayan matapos itong magbigti sa palikuran ng kanilang bahay sa Barangay Anabu 2-A, Imus City, Cavite kamakalawa ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Aniceta Pabillar y Balleras ng Citi Homes Subd. sa nasabing barangay.
Sa imbistigasyon ni PO3 Alan Reyes, lumilitaw sa mga salaysay ng ilang kaibigan at kaanak na may mga sakit na dumapo sa biktima kung saan di-maipaliwanag ang pinanggalingan kaya naging desperada ito.
Sinasabing kinukulam ang biktima na pinabulaanan naman ng ilang miyembro ng pamilya nito hanggang sa matagpuan ng kasambahay ang bangkay ng kanyang amo na nakabigti sa paÂlikuran.