2 miyembro ng Abu Sayyaf timbog sa Basilan
MANILA, Philippines – Nasakote ang dalawang miyembro ng rebeldeng grupong Abu Sayyaf na nasa likod ng pandurukot ng mga dayuhan at lokal na turista, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
Sinabi ni PAOCC chairman at Executive Secretary Paquito Ochoa na nadakip ng pinagsanib puwersa ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation sina Kudairi Abdulla at Abdulgappar Inambakal sa magkahiwalay na operasyon sa Basilan.
Nadakip si Abdulla ng mga miyembro ng PNP Special Action Force, Police Regional Office 9 at NBI nitong Marso 5 sa kanyang kuta sa Lampinigan Island.
Ang 33-anyos na si Abdulla ang isa sa mga nasa likod ng Dos Palmas kidnapping noong Mayo 2001 kung saan 20 katao ang kanilang binihag.
Lima sa mga bihag ang nasawi, kabilang ang dalawang Amerikanong sina Gullermo Sobero a Martin Burnham na pinugutan ng ulo.
Nitong Marso 2 naman natimbog si Inambakal na may P1 milyon patong sa kanyang ulo sa Maluso, Basilan.
"The suspect is wanted for 13 counts of murder and 11 counts of frustrated murder," wika ni NBI director Virgilio Mendez.
- Latest