Lola sugatan sa holdap

CAVITE, Philippines – Duguan at walang malay-tao ng matagpuan ang nakahandusay na isang 79 anyos na lola matapos na masugatan nang pumalag sa holdaper na nanloob sa tindahan nito sa Brgy. Aguado, Trece Martirez City, Cavite kahapon ng umaga. Patuloy na inoobserbahan sa Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Natalia Rom, biyuda, store owner at residente ng nasabing lugar. Arestado naman ang suspek sa isinagawang follow-up ng pulisya na nakilalang si Melvin Debora, 28, binata at isang obrero. Bandang alas-11:30 ng umaga­ nang pasukin ng suspek ang tindahan ng matanda saka magdeklara ng holdap. Nang akmang papalag ay hinataw ng suspek ng matigas na bagay ang matanda.

Show comments