^

Probinsiya

P5-M shabu nasamsam sa airport

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umiskor ang mga awtoridad kasunod ng pagkakasamsam ng P5-M halaga ng shabu sa isinagawang operasyon sa Zamboanga City International Airport nitong Biyernes.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, ang nasabing droga ay inilagay sa kahon ng cornstarch na nasa mga bagahe upang itago sa mga awtoridad na nadiskubre sa paliparan dakong alas-5:15 ng hapon.

Ayon kay Chief Ins­pector Ariel Huesca, Spokesman ng PRO 9, kasalukuyang iniinspek­syon ng mga security­ officer ng paliparan ang mga bagahe ng mapansin ang kakaibang laman­ ng kahon pagdaan nito sa x-ray­ machine.

Nang buksan ang laman ng kahon ng cornstarch ay dito na tumambad ang nakatagong metham­phetamine hydrochloride o shabu na ang dami ay tinatayang aabot sa P5M halaga sa merkado.

Sinabi ni Huesca na ang nasabing shabu ay tumitimbang ng mahigit isang kilo  na nakalagay sa LBC box galing kay Walter Aquino ng Caloocan City na dadalhin sa Bongao, Tawi-Tawi ang consignee ay si Dayang Askali.

Inihayag ng opisyal na ang nakumpiskang droga ay itinurnover na sa kustodya ng PDEA Region 9 Office para sa kaukulang disposisyon.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kaso.

vuukle comment

ARIEL HUESCA

AYON

BIYERNES

CALOOCAN CITY

CHIEF INS

DAYANG ASKALI

POLICE REGIONAL OFFICE

WALTER AQUINO

ZAMBOANGA CITY INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with