Obrero pisak sa trak

BULACAN, Philippines - - Maagang kinalawit ni kamatayan ang 20 anyos na obrero matapos na magulungan ng 10-wheeler dump truck habang sinusubukang imaniobra ito sa bahagi ng Barangay Siling Matanda, bayan ng Pandi, Bulacan kahapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Elton Jhon Quiachon ng Barangay Frado Siongco sa bayan ng Lubao, Pampanga. Sa ulat ni Vincent Guinicaran, tinangkang imaniobra ng biktima ang trak sa pababang kalsada ng biglang huminto ang makina nito. Kaagad naman sinuri ng biktma ang kinalalagyan ng mga baterya sa pagaakalang nag-loose connection lamang ito. Habang sinusuri ng biktima ang mga baterya ay biglang umabante ang sasakyan kung saan hinabol naman nito ngunit nawalan ito ng balanse at nagulungan ang kanyang katawan.

Show comments