RIZAL, Philippines - Apat-katao na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkakahiwalay na bayan sa Rizal kahapon. Sa ulat ng Rizal PNP, dakong alas-6 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng babae nanaka-maong pants at t-shirt sa bahagi ng Don Mariano Santos Avenue sa Brgy. San Isidro, bayan ng Angono. Iginapos ang biktima at binalutan ng packing tape ang mukha. Kasunod namang natagpuan ang bangkay ng lalaki na nagtamo ng tamaan bala ng baril sa ulo bago inabandona sa Pinagminahan Road, Barangay San Luis sa Antipolo City. Iginapos din ang biktimang nakasando at underwear lamang. Samantala, nadiskubre naman ang dalawang bangkay nina Afrman Laserna at Pedrito Seduripa na kapwa nagtamo ng saksak sa katawan saka inabandona sa Muslim Cemetery sa bayan ng Rodriguez.