4 dedo sa road mishap

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Apat-katao ang iniulat na namatay sa magkakahiwalay na kaso ng salpukan na kinasasangkutan ng mga motorsiklo sa Ilagan City, Isabela at bayan ng Balaoan, La Union kamakalawa.


Kinilala ni P/Supt. Vicente Valdez, hepe ng Ilagan City PNP ang mga namatay sa salpukang naganap sa Barangay Sta. Victoria na sina Jimmy Abarca ng Brgy. Marana 3rd; at Lizalyn Domingo ng Barangay Ballacong kapwa sa nasabing lungsod.


Ayon kay Valdez, kapwa binabagtas ng dalawa ang national road pauwi sakay ng motorsiklo nang biglang nang-agaw ng linya ang motorsiklo ni Abarca na sinasabing lango sa alak.
 Tumi­lapon ng ilang metro ang mga biktima sa kalsada kung saan patay na nang mairating sa Gov. Faustino Dy Sr. Memorial Hospital sa kabisera ng lungsod.


Samantala, sa Barangay Camiling, bayan ng Balaoan, lulan naman ng traysikel sina Melchor Ferrer at Marcus Cariaso na kapwa taga-Callautit, Bacnotan nang salpukin ng Partas bus na minamaneho ni Ignacio Villamor.


 

Show comments