Bodegero umiwas sa kagat ng aso, nahagip ng bus, patay

Duguang bumulagta sa sementadong kalsada si Elmer Aruta matapos na mabundol ng pampasaherong bus dahil sa pag-iwas sa aso sa bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa. Boy Cruz

BULACAN , Philippines   â€“ Maagap na sinalubong ni kamatayan ang 27-anyos na bodegero na sinasabing umiwas sa kagat ng aso matapos itong masalpok ng pampasaherong bus sa bahagi ng Barangay Turo sa bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Rogaciano R. Mercado Memorial Hospital ang biktimang si Elmer Aruta ng Barangay Turo sa nasabing bayan.

Sumuko naman sa pulis­ya ang drayber ng bus na si Nicomedes Nerosa, 39, ng C. Martinez Street, Caloocan City.

Ayon kay PO3 Kim Salva­tierra, nagbibisikleta ang biktima sa kahabaan ng F. Halili Avenue nang habulin ng aso kaya binilisan nito ang pagbibisikleta para umiwas.

Subalit nahagip naman ng RJ Express Bus (CVE-345) mula sa kabilang direksyon ng kalsada bago pumailim sa sasakyan ang biktima.

 

Show comments