^

Probinsiya

Detainee tigok sa lason ng daga

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Sinisiyasat ngayon ng pulisya ang kaso ng isang 44 anyos na detainee sa Cauayan City Jail na namatay sa Isabela Provincial Hospital matapos matuklasang kumain ng tinapay na may palamang lason sa daga nitong nakaraang linggo.
 Kinilala ni Rosita Andaya ang bangkay ng kanyang anak na si Cesar Andaya alyas Raffy ng Brgy. Magsaysay, Naguilian, Isabela matapos itong tawagan ng pagamutan noong Biyernes kaugnay sa kamatayan ng nahuli. 
Ang nakababatang Andaya ay humaharap sa kasong panggagahasa ay pinaniniwalaang sadyang nilason sa loob ng bilangguan.
 Ayon kay Dr. Donna Marie Dequito na sumuri sa bangkay ng biktima, isang uri ng lason sa daga ang nakain ng nahuli na nagdulot ng pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka bago ito isinugod sa pagamutan sa kabisera ng Ilagan City kung saan ito namatay.

ANDAYA

AYON

BIYERNES

BRGY

CAUAYAN CITY JAIL

CESAR ANDAYA

DR. DONNA MARIE DEQUITO

ILAGAN CITY

ISABELA PROVINCIAL HOSPITAL

ROSITA ANDAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with