Seaman todas sa sagasa

CAVITE, Philippines - Patay ang isang seaman matapos na aksidenteng masagasaan ng isang rumaragasang tourist bus  habang tumatawid sa bypass road, Brgy. San Miguel 2, Silang, Cavite kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Roland Laureles, 40 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Litlit, Silang, Cavite. Arestado naman at kasalukuyan ng nakapiit ang driver ng bus na si Esteban Bermas, 40 taong gulang ng Parañaque City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Erwin Laureles may hawak ng kaso, alas-5:20 ng madaling araw habang minamaneho ni Bermas ang Isuzu Tourist Bus Jersan Travel and Tours na may temporary plate number 137807 body number 909  nang aksidente nitong masagasaan ang biktima .

Nasapul ang biktima na tumilapon sa espaltadong kalsada bunsod upang mapuruhan ang ulo nito na hindi na umabot ng buhay sa pagamutan.

Show comments