MANILA, Philippines - Dumanas ng panibagong dagok ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos na sumuko sa tropa ng militar ang isa nitong political officer sa Brgy. Linao, San Isidro, Davao del Norte kamakalawa .
Kinilala ni AFP- Eastern Mindanao Command Spokesman Captain Alberto Caber ang sumukong lider ng mga rebelde na si Geneng Ambas, alyas Ka Chong.
Bandang alas-9 ng umaga, ayon sa opisyal ng magÂdesisyong sumurender si Ka Chong sa tropa ng Army’s 72nd Infantry Battalion sa Purok 6, Brgy. Linao, San Isidro ng lalawigang ito.
Sa tala ng militar, sinabi ni Caber na umaabot na sa 230 ang mga nagsisukong rebeldeng NPA simula noong 2013 hanggang sa kasalukuyan.
Samantala, ayon naman kay Army’s 10th Infantry Division (ID) Spokesman Lt. Ernest Carolina nakubkob ng tropa ng militar ang isang kampo ng mga rebelde sa engkuwentro sa Malita, Davao Occidental dakong alas-10:45 ng umaga. Ang bakbakan ay nagresulta sa pagkakaaresto sa rebeldeng si Rodane Antiodo alyas Ka Dandan, lider ng Squad 1 ng Platoon Uno ng Front Committee 75 ng NPA.