Lider ng magsasaka dinukot

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Isang magsasakang lider ng mga settlers sa pinag-aagawang estado sa Isabela ang iniulat na kinidnap ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang miyembro ng National Bureau of Investigation sa Brgy. Nueva Era, San Manuel, Cagayan.

Batay sa ulat ng pulisya, sakay ng kanyang motorsiklo pauwi sa kanilang tahanan ang biktmang si Romulo dela Cruz kasama ang kanyang anak na lalaki nang pigilan sila ng mga armado sa gitna ng kalsada.

Ayon kay Randy Malayao ng KARAPATAN-Cagayan Valley; tanging ang matandang si Dela Cruz lamang ang kinaladkad papasok ng isang naghihintay na kulay abong  van bago ito tumakbong palayo at iniwan ang anak nitong nakasaksi sa pangyayari.

Si Dela Cruz na lider ng Danggayan Dagiti Mannalon ti Isabela (DAGAMI) ay isa sa mga namumuno sa kaso ng pinag-aagawang lupain ng Matusalem sa bayan ng Roxas sa pagitan ng mahigit 100 farmer-settlers at pamunuan ng Isabela State University.

 

Show comments