^

Probinsiya

Mayor nakaligtas sa ambush, dedo sa atake sa puso

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang alkalde ang nakaligtas sa ambush pero binawian naman ng buhay ilang oras pagkaraang isugod sa paga­mutan sanhi ng tinamong bahagyang sugat sa katawan matapos na atakehin sa puso sa bayan ng Sarangani kamakalawa ng gabi.

 Kinilala ang nasawing biktima na si George Perrett, Mayor ng Maitum, Sarangani at kapartido ni boxing icon Manny”Pacman “ Pacquiao sa People’s Champ Movement noong  2013 elections.

Sa ulat, sinabi ni Supt. Jomar Alexis Yap, Deputy Provincial Police Director ng Sarangani, naganap ang pananambang sa biktima sa kahabaan ng national highway  ng Purok Bugo, Brgy. Malalag, Maitum bandang alas-10:30 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon kagagaling lamang ng biktima sa isang kasiyahan sa gymnasium ng kanilang bayan at pauwi na kasama ang kaniyang misis at ilang aide ng tambangan ng mga armadong salarin  pagsapit sa lugar.

Nabatid na ang alkalde ang nagmamaneho ng sa­sakyan nang pagbabarilin ng mga suspek na nag-aabang sa lugar ang behikulo nitong isang Toyota Fortuner.

Nasugatan ang alkalde sa hita at maging ang aide nitong si Andelma Andal bagaman hindi naman ito malubha .

Kinumpirma naman ni Army’s 10th Infantry Division (ID) Spokesman Lt. Ernest Carolina na maysakit sa puso ang alkalde kung saan bigla na lamang itong dumaing ng paninikip ng dibdib at binawian ng buhay matapos atakehin  nitong Sabado dakong alas-2:40 ng madaling araw  sa St. Elizabeth Hospital sa General Santos City .

Inihayag ng opisyal na narekober sa pinangyarihan ng insidente ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol, M16 at shotgun.

ANDELMA ANDAL

CHAMP MOVEMENT

DEPUTY PROVINCIAL POLICE DIRECTOR

ERNEST CAROLINA

GENERAL SANTOS CITY

GEORGE PERRETT

INFANTRY DIVISION

JOMAR ALEXIS YAP

SARANGANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with