Lolo utas sa pakikipag-sex

MANILA, Philippines - Bumulagta ang 60-anyos na lolo matapos itong atakehin sa puso sa gitna ng pakikpag-sex sa 28-anyos na babae sa lodging house sa Barangay Sicayab, Dipolog City, Zamboanga del Norte kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Cesario Donaire ng Barangay Baybay Galas sa na­sabing lungsod.

Sa ulat ng Dipolog City PNP na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-10:30 ng gabi nang madiskubre ang naninigas ng hubo’t hubad na bangkay ng biktima sa Escort Drive Inn sa Purok Orchid.

Sa tabi ng bangkay ng biktima ay narekober ng pulisya ang dalawang kulay rosas na tableta.

Nabatid na dakong ala-1:45 ng hapon nang mag-check-in ang biktima sa na­sabing lodging house kasama ang isang babae na nakasuot ng abuhing uniporme.

Gayon pa man, dakong alas-3 ng hapon nang makitang balisa at humahangos palabas ng kuwarto ang nasabing babae kung saan kinagabihan ay nadiskubre ang bangkay ng matanda.

Sa follow-up investigation ng pulisya ay natukoy naman ng pulisya na isang alyas Elsie ang sina­sabing kasamang nag-check-in ng matanda na sinasabing branch manager­ ng hair salon­ sa Central Barangay sa nasabing lungsod.

Sa post-mortem exami­nation ni Dr. Rowell Mata ng Dipolog City Health Office ay natukoy na myocardial infarction o atake sa puso na posibleng sanhi ng ininom na tableta ng biktima ang sanhi ng pagkamatay nito.

Show comments