^

Probinsiya

Kinidnap na 6-anyos natagpuang kalansay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagwakas ang mister­yo sa limang buwang pagkawala ng 6-anyos na nene na sinasabing dinukot ng kanyang kapitbahay matapos itong  matagpuang kalansay at bungo na sa masukal na bahagi ng priba­dong lote sa Sitio Balikid, Barangay Quiot, Cebu City, Cebu kamakalawa.

Kinilala ng mga magulang ng biktimang si Mariflor Medalla na positibo ang da­mit at tsinelas na suot ng bata ng huli itong makitang buhay noong Oktubre 6, 2013.

Patuloy namang pinag­hahanap ang suspek na si Allan Gimongala na siyang nakitang umaakay sa bata bago ang misteryosong pagkawala nito.

Base sa impormasyong nakalap ng pulisya, bandang alas-10 ng umaga, naglalaro ang mga batang lalaki sa bulubundukin at madamong bahagi sa nasabing lugar nang madiskubre ang kalansay at bungo ng biktima na nakasuot pa ng damit.

Gayon pa man, kinahapunan na ng ipaalam ng mga bata sa kanilang mga magulang ang natagpuang kalansay kung saan agad namang inusisa ng mga barangay tanod.

Sa pahayag ng ama ng biktima sa mga awtoridad, sinabi ng bata sa kaniyang mga kalaro na sasama muna siya kay Gimongala dahil marami itong ibibigay na kendi kung saan hindi na ito natagpuan pa.

Samantala, tumakas naman si Gimongala matapos na mabatid na siya ang suspek sa pagkawala ng bata.

 

vuukle comment

ALLAN GIMONGALA

BARANGAY QUIOT

CEBU

CEBU CITY

GAYON

GIMONGALA

MARIFLOR MEDALLA

SITIO BALIKID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with