MANILA, Philippines – Wala pa ring ideya ang National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) kung ano ang naging sanhi ng malawakang blackout sa buong Mindanao.
Sinabi ng tagapagsalita ng NGCP at abogadog si Cynthia Alabanza, wala silang impormasyon sa blackout na nagsimua ganap na 3:53 ng madaling araw.
"When a grid disturbance happens, it could be anything from supply or transmission. It could be anything minor or major, so it's very, very difficult to speculate at this point," pahayag ni Alabanza sa isang panayam sa telebisyon.
Aniya, uunahin muna nila ang pagbabalik ng supply ng kuryente bago ang imbestigasyon sa sanhi ng malawakang blackout.
Sa Twitter account ng NGCP ay sinabi nilang naibalik na ang kuryente sa General Santos, Zamboanga, Pagadian, Cagayan de Oro at ilang bahagi ng Misamis Oriental.
Ayaw din naman mangako ng NGCP na maibabalik nila ang lahat ng supply ng kuryente ngayong araw.
"We cannot make that commitment because the information is not yet complete and it's unclear what really happened," banggit ni Alabanza.