BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines - Isang truck na naglalaman ng milyun-milÂyong halaga ng mineral ore ang nasabat ng mga awtoridad sa bayan ng Alfonso Castañeda sa Nueva Vizcaya kamakalawa.
Kinilala ang mga nasakoteng suspek na sina Joseph Miinit, 38, ng Minuya Norzagara, Bulacan, driver ng 10 wheeler dump truck (RLL613); at Jomar Figuracion, 41, helper at residente rin sa nabanggit na lugar.
Napag-alaman na dakong 5:50 ng umaga kamakalawa nang makatanggap ng tip sina PO3 Wilson Quiban at PO1 Dela Cruz mula sa isang concern citizen kaugnay umano sa biyahe ng nasabing kontrabando.
Agad na inilatag ang checkpoint kung saan nasabat ang sasakyan na kargado 199 na sako ng mga mineral ore.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya na ang nasabing sasakyan ay nakapangalan umano sa isang alyas Kalarikkal Prabhakaran ng Caloocan City.
Ang dalawang suspek ay nasa pangangalaga ngayon ng pulisya habang ang truck na puno ng mineÂral ore ay ipinarada sa plaza sa nabanggit na bayan habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya.