Misis pisak sa van

NUEVA VIZCAYA, Philippines - – Pisak at namatay ang 30-anyos na misis matapos mabundol ng humahagibis na van sa kahabaan ng highway sa Barangay San Jose, bayan ng Maria Aurora, Aurora, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Dina Sagun ng Barangay 1 sa nabanggit na bayan. Base sa police report, tumatawid ang biktimang Dina Sagun nang mahagip ng van (ZES-654) na minamaneho ni Dennis Rosalez, 28, ng Barangay Baybayin, bayan ng Rosario, Batangas. Naisugod sa Aurora Memorial Hospital subalit namatay din dahil sa matinding pinsala sa ulo. Sumuko naman sa himpilan ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Show comments