7 utas sa shabu 'talipapa' sa Davao

MANILA, Philippines - Pitong hinihinalang tulak ng droga ang patay nang lusubin ng mga awtoridad ang isang shabu talipapa sa Davao City.

Sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group spokesperson Superintendent Elizabeth Jasmin na pinasok ng pinagsamang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency, Davao City police at CIDG ang isang shabu talipapa sa Brgy. Ilang, Tibungco, Davao City.

Lumusob ang mga awtoridad bitbit ang 26 na search warrants.

Dalawampung katao naman ang nadakip sa naturang raid.

Bago ang operasyon ay nakatanggap din ng ulat ang mga awtoridad na kargado ang shabu talipapa ng matataas na kalibre ng baril.

Show comments