MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ngayong Biyernes ang Tagbilaran City, ayon sa state volcanology.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na naitala ang sentro ng lindol sa 40 kilometro hilaga-silangan ng Tagbilaran City, Bohol ganap na 10:24 ng umaga.
May lalim na siyam na kilometro ang lindol na tectonic ang origin.
Naramdaman ang Intensity 3 sa Cebu City at bayan ng Loboc sa Bohol.
Wala naman inaasahang aftershocks ang Phivolcs.
Nitong nakaraang taon ay niyanig ng magnitude 7.1 na lindol ang Bohol kung saan higit 200 katao ang nasawi.
Nawasak din ng lindol ang mga makasaysayang impastraktura partikular ang mga simbahan.