P.5-M kargamento kinulimbat

BATAAN, Philippines - – Umaabot sa P.5 milyong halaga ng kargamento na lulan ng 10-wheeler truck ang kinulimbat ng mga armadong lalaki habang ito ay nakaparada sa bahagi ng  Barangay Gugo, bayan ng Samal, Bataan kamakalawa. Sa police report, lumilitaw na pansamantalang ipinarada ni Ricardo Parocha ang minamanehong trak na may plakang CXG-219 sa harapan ng bahay ng kanyang biyanan para magpahinga. Subalit makalipas ang ilang oras ay nawawala na ang nasabing trak na naglalaman ng P.5 milyong kargamento mula sa Bataan 2020 Papermill na dadalhin sana sa Metro Manila.

Show comments