^

Probinsiya

Artist sketch ng mga suspek sa panununog ng bus, inilabas

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines - – Inilabas na ng pulisya ang dalawang computerized facial composites na responsable sa panununog ng walong bus sa terminal ng Jam Liner Inc. noong madaling araw ng Linggo sa bayan ng Lemery, Batangas.

Ayon kay P/Senior Supt. Omega Jireh Fidel, Batangas PNP director, inilarawan ang dalawa sa 15- rebeldeng New Peoples Army na payat, may taas na 5’7” feet, may balbas, nasa pagitan ng 38 hanggang 40-anyos.

Samantala, ang babae ay nasa 30 hanggang 40-anyos, may taas na 5’3’ at medium built.

Nakatakda namang isampa ang mga kaso laban sa mga suspek nga­yong araw (Huwebes) sa Batangas Provincial Pro­secutors Office.

Nauna nang nagbigay ng pahayag ang mga saksi na dalawang babaeng amazona ang kanilang namataan na kabilang sa mga lumusob sa Jam terminal bandang alas-12:55 ng madaling araw.

 â€œYung isang babaeng suspek muna ang kakasuhan namin kasi siya rin ‘yung lumalabas na involved sa panununog ng construction equipment sa Padre Garcia noong 2013,”  ayon kay Region 4 PNP Director P/Chief Supt. Jesus Gatchalian.

Ayon sa management ng Jam Liner, nakatanggap sila ng extortion letter mula sa mga nagpapakilalang miyembro ng Melito Glor Command pero hindi nila ito pinansin.

Samantala, patuloy pa rin ang pulisya sa panga­ngalap ng mga impormas­yon laban sa ang mga res­ponsable sa panununog.

AYON

BATANGAS

BATANGAS PROVINCIAL PRO

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

JAM LINER

JAM LINER INC

JESUS GATCHALIAN

MELITO GLOR COMMAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with