LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Umaabot sa P.2 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang apat na silid-aralan ng Cabraran EleÂmentary School sa bayan ng Jovellar, Albay kahapon ng umaga. Nagsimulang kumalat ang apoy bandang alas-6:40 ng umaga at naapula ang sunog dakong alas-7:30 ng umaga. Nahaharap naman sa malaking problema ang pamunuan ng nasabing eskuwelahan dahil sa kawalan ng mga silid-aralan na papasukan ng mga mag-aaral. Pinaniniwalaang faulty electrical wiring ang isa sa pinagmulan ng apoy na tumupok sa apat na silid-aralan.