MANILA, Philippines - Brutal na kamataÂyan ang sinapit ng mag-asawang matanda at kanilang apo habang kritikal naman ang isa pang anak makaraang pagpapaluin ng tubo at bugbugin ng mga di-kilaÂlang lalaki sa Barangay Switch Yakal, bayan ng Lantawan, Basilan kamakalawa.
Kinilala ang mag-asawa na sina Pablo Guerrero, 74; Teresa Guerrero, 72; at ang apo na si Trixie Stanley.
Samantala, kritikal naman ang isa pang anak ng mag-asawa na hindi natukoy ang pangalan at isa pang miyembro ng pamilya na nawawala.
Sa ulat ni P/Chief InsÂpector Basim Hassan, hepe ng Lantawan PNP, naganap ang krimen paÂsado alas-12 ng hapon sa bahay ng mag-asawa sa nasabing bayan.
Nadiskubre naman ng mga awtoridad na nawawala ang mamahaÂling kagamitan ng mag-asawa na pinaniniwalaang tinangay ng mga killer.
Lumilitaw pa sa imÂbestigasyon na nagtungo lamang ang pamilya Guerrero sa nasabing barangay upang bisitahin ang kanilang lupain at mga pananim na hindi akalain ng mga kamag-anak na hahantong sa malagim na bangungot ang pagbisita ng mag-asawang matanda.