Ex-pulis sinimento sa drum
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng dating pulisya na sinasabing nawawala matapos itong dukutin ay inilagay ang bangkay nito sa drum at sinimento saka inilibing sa liblib na bahagi ng Barangay Lanning, bayan ng Solana, Cagayan kamakalawa.
Sa ulat na nakarating kay Cagayan PNP Director P/Senior Supt. Gregorio Lim, nakilala ang biktima na si Arshid Najid, 42, dating nakatalaga sa Tawi-Tawi, Jolo, Sulu na matagal nang absent without official leave (AWOL) noong1995.
Ang bangkay ng biktima ay kinilala ng kanyang misis na si Grace Najid ng Barangay Cabbo, bayan ng Peñablanca, Cagayan.
Nabatid na natunton ng mga opisyal ng barangay ang bangkay ng biktima matapos itong magsabog ng masangsang na amoy noong Linggo (Feb. 9) sa bukirin ni Venancio Romero Jr.
Ayon kay P/Chief Insp. Alberto Calimag, tumanggi naman ang misis ng biktima na isailalim sa post-mortem examination ang bangkay nito at alinsunod na rin sa kaugalian ng mga Muslim.
Matatandaan na isa ring naaagnas na bangkay ng isang pulis ang natagpuan sa sementeryo ng Tuguegarao City noong nakaraang linggo matapos itong huling makitang nakipag-inuman sa dati nitong kabarong pulis.
Pinaghahanap ngayon ang suspek na si Michael Pasicolan, dating kasamahan ng biktimang si PO3 James Saddul na kawani ng Logistics branch sa Cagayan police office.
Natagpuan ang bangkay ni PO3 Saddul na sinasaÂbing nakapaglabas ng pera sa kanyang loan sa serbisyo bago siya huling mamataang kasama si Pasicolan sa inuman noong Miyerkules ng gabi (Feb. 5).
- Latest