Bus vs bus: 5 patay, 46 sugatan

CAMARINES NORTE , Philippines   â€“ Lima-katao ang namatay makaraang magsalpukan ang dalawang pampasaherong bus sa kahabaan ng Mahar­lika Highway sa Barangay Mambulo Nuevo, bayan ng Libmanan, Camarines Sur kahapon ng madaling araw.

Kabilang sa mga namatay ay sina Orlando Olit, 43, konduktor ng Elavil Bus, ng Capalonga, Camarines Norte;  Marvin Ablay, 25, ng Bagong Silang Caloocan City; at tatlong hindi pa kilala.  

Samantala, patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng mga 46 sugatan na naisugod sa Bicol Medical Center at Mother Seton Hospital.

Sa inisyal na ulat ng pulis­ya, nawalan ng control ang Antonina Bus (EVP923) na minamaneho ni Christopher Maquinana ng Tabaco City kaya sumalpok sa kasalubong na Elavil Bus Line (TYL144) ni Elmer Bon ng Mercedes, Camarines Norte.

Show comments