2 negosyante tiklo sa baril at bala

CAVITE, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang negosyante matapos arestuhin ng mga operatiba ng pulisya  dahil sa pag-iingat ng mga baril at bala sa bayan ng Silang, Cavite kahapon ng madaling araw. Pormal na sumasailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Edwin Capili, 50, ng Barangay Sabutan sa bayan ang Silang; at Erick Garcia. Sa bisa  ng search warrant na inisyu ni Judge Cynthia R Marino-Ricablanca ng Sta. Cruz Regional Trial Court Branch 27 sa Laguna, sinalakay ng pulisya ang mga bahay nina Garcia at Capili. Nasamsam sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng baril at bala kung saan dalawa sa malalakas na kalibre ng baril ay sinasabing may kaukulang dokumento.

Show comments