Trucking coordinator kinatay
MANILA, Philippines - Brutal ang sinapit na kamatayan ng isang trucking coordinator matapos igapos ang mga kamay nito at pagtatagain pa sa ulo ng hindi pa nakilalang mga salarin sa bayan ng Lanuza Surigao del Sur, ayon sa opisyal kahapon.
Kinilala ang nasawing biktima na si Peter Kho Solon, coordinator ng AKS trucking na konektado sa ALN trucking subcontractor ng Nickel Base Corporation, isa sa mga kontraktor ng Carrascal Nickel Corporation na matatagpuan sa Barangay Bon-otÂÂ, Carrascal, Surigao del Sur at isa sa mga neÂgosyo ng minahan dito.
Ayon kay CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, bandang ala-1 ng hapon kamakalawa ng matagpuan ang bangkay ng biktima sa masukal na bisinidad ng Sitio Cagmino, Brgy. Sibahay, Lanuza ng lalawigang ito.
Sa imbestigasyon, nadiskubre ang bangkay ng biktima na nakabalot pa ng malong, habang nakita rin ang malalalim na sugat sanhi ng mga taga-partikular na sa ulo nito.
Bago ang pagkakadisÂkubre ng krimen ay napaulat na nawawala ang biktima noon pang Pebrero 11 ng taong ito.
Samantalang bandang alas-5 rin ng hapon ng nasabing araw ay natagpuan ang inabandonang behikulo ng biktima na isang kulay itim na Ford Ranger pickup (FGB 871) sa bisinidad ng Gawad Kalinga, Brgy. Gamuton, Carrascal ng naturang probinsiya pero wala ang biktima.
Isinailalim na sa awtopsya ang bangkay ng biktima at patuloy din ang imbestigasÂyon sa kasong ito upang matukoy at mapanagot sa batas ang mga salarin.
- Latest