3 tulak utas sa shootout sa Surigao

MANILA, Philippines – Patay ang tatlong hinihinalang tulak ng droga, habang tatlong pulis ang sugatan sa shootout sa Surigao City nitong nakaraang linggo.

Sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Martes na nasawi sa engkwentro ang mga suspek na sina Jamel Mamao, 26, ng Bernadette Village, Barangay Luna, Surigao City; at sina Ismael Mamao at Bocari Tandayao.

"Jamel Mamao is a target-listed drug personality and a notorious member of the Mamao Drug Group operating in Cabadbaran, Agusan del Norte and Surigao del Norte," wika ni Arturo Cacdac Jr.

Ayon sa PDEA, nanlaban ang mga suspek sa PDEA at Philippine National Police na may dalang arrest warrant noong Pebrero 8 sa bahaya ni Mamao.

"Mamao and his cohorts fired upon the authorities as the latter were about to enter the house. Aware of the impending danger to their lives, the operatives had no other recourse but to return fire, killing the suspects in the process,” banggit ni Cacdac.

Sugatan ang tatlong pulis sa engkwentro na tumagal ng halos apat na oras.

Nasa mabuting kalagayan na ang mga pulis at kasalukuyang nagpapagaling.

Nasabat sa bahay ni Mamao ang 14 na pakete ng shabu na may bigat na 1/4 kilo at nagkakahalaga ng P2 milyon.

Nakumpiska rin ang iba’t ibang drug paraphernalia, dalawang pakete ng plastic wrapper, perang nagakahalaga ng P129,230.00, kalibre .45 pistol at KG9 caliber 9mm machine pistol.

Show comments