Pinugutan sa inuman

BULACAN , Philippines   â€“ Brutal na kamatayan ang sinapit ng 31-anyos na lalaki matapos itong pugutan ng kanyang kainumang kapitbahay sa Barangay Upig, bayan ng San Ildefonso, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na si Raymund Estabillo habang pinaghahanap naman ang suspek na si Ruel Yangson, magsasaka at kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO1 Ryan Val Martin, magkasamang umiinon ng alak ang dalawa at ilang kaibigan nang magkapikunan na nauwi sa mainitang pagtatalo. Gayon pa man, umalis ang suspek na sinasabing lango na sa alak subalit bumalik na may hawak na patalim at pinugutan ang biktima.

Show comments