Mister pisak sa killer trak

MANILA, Philippines - Pisak ang ulo at katawan ng 46-anyos na mister  matapos magulungan ng trak sa kahabaan ng San Juan Road sa bayan ng Taytay, Rizal, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Roger Cancino ng Block 46, Sitio Batasin, Barangay San Juan sa nasabing bayan. Naaresto naman ng pulisya ang driver ng trak na si Jack Elayda, 39, ng #23 West Los Angeles Street, California Riverside, Barangay San Bartolome, Quezon City. Sa report ni SPO1 George Arada, naganap ang sakuna dakong alas-5 ng hapon matapos mawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng trak na may plakang UWG 159. Nabatid na nakatayo ang biktima sa gilid ng highway nang mahagip ng trak.

 

Show comments