MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga awtoridad ang 5-rebeldeng New People’s Army (NPA) kabilang ang dalawa nitong matataas na opisyal sa magkakahiwalay na operasyon sa Bicol Region, Quezon at sa Palawan, ayon sa mga opisyal kahapon.
Sa ulat ni AFP-Southern Luzon Command Chief Lt. Gen. Caesar Ronnie Ordoyo, nasakote si George “Ka Mario†Geluz sa checkpoint sa bayan ng Gumaca, Quezon kamakalawa ng gabi
Si Geluz ay sinasabing secretary ng Bicol regional party committee at nasakote sa bisa ng warrant of arrest sa kasong robbery-in-band with arson, double frustrated murder na inisyu ng korte sa Camarines Norte.
Samantala, si Sylvestre Layones, pinuno ng regional urban committee at executive committee member ng BRPC ay nasakote naman kahapon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu naman sa Legazpi City, Albay.
Sa operasyon naman sa bayan ng Bataraza, Palawan kamakalawa ay nasakote naman ang mag-asawang NPA rebs na sina Gilbert “Ka Glenn†Silagan at Alma “Carol†Moreno matapos na makorner ng pulisya.
Ang mga suspek ay may patong sa ulo na P 2.95 milÂyon at P1.3 milyon, ayon sa pagkakasunod.
Kasunod nito, nasakote naman si Jebe Alarcon ng Brgy. Pinamihagan sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur matapos na masabat ng tropa ng 42nd Infantry Battalion ng Philippine Army kamakalawa.
Nasamsam sa pag-iingat ang 2, 200 piraso ng bala ng cal 5.56mm, 13 piraso ng bala ng cal 7.62mm, magazine assembly ng 20 round ng M14 rifle, M 14 rifle at iba pa.