MANILA, Philippines - Umaabot sa 81-katao na nawalan ng bahay dulot ng krisis sa Zamboanga City noong Setyembre 2013 iniulat na namatay sa evacuation center dahil sa matinding pagkakasakit, ayon sa ulat kahapon.
Sa report ng lokal na paÂmahalaan, ang nasabing bilang ay naitala mula SetÂyembre 2013 hanggang PebÂrero 8, 2014.
Nabatid pa na karamihan sa mga namatay ay ang mga evacuees sa Cawa Cawa Boulevard at Joaquin Enriquez Memorial Sports Complex na kinakanlong simula ng sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng MNLF fighters at ng tropa ng militar.
Bunga nito, ipinag-utos ni Zamboanga City Mayor Isabelle “Beng†Climaco-Salazar sa city health office na i-monitor ang kalagayan ng mga bata na nagkakaedad 5 pababa na napapaulat na kulang sa nutrisyon.
Noong Enero lamang 2014 ay naitala na sa 65 ang namatay sa mga evacuees na walang mga bahay na babalikan matapos na sunugin ng MNLF fighters at mawasak ng mortar sa matinding bakbakan.
Bukod dito, ayon pa sa report ay mino-monitor na rin ng mga medical health worker ang kalusugan ng mga senior citizen.
Samantala, naglunsad na rin ng anti-dengue clean-up at tent-to-tent visitation.