13 most wanted arestado

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines - - Pinaigting ng Quezon PNP Provincial Office ang kampanya laban sa mga most wanted person makaraang masakote ang 13 most wanted sa ibat’ibang bayan sa lalawigan ng Quezon. Sa ulat ni P/Senior Supt. Ronnie Ylagan, nakapiit na ngayon ang mga nadakip na sina Wilfredo Vicen, 34,ng Plaridel sa may kasong rape; Arbuel Arbolente na may kasong statutory rape; Aldrin Torres, 7 counts ng rape;  Arjay Guirella may kasong robbery with homicide; Merlyn Lalena, Eduardo Lunas, Froilan Rusco, Abel Abetria, No. 9 sa kasong Attempted Murder, Romeo Gerlan Jr, may kasong attempted murder; Leonora Lalini, Joel Lorenzo, may kasong theft; at si Arnel Macaraig sa kasong paglabag sa RA 7610.

Show comments