Misis ni-rape slay ng adik

NUEVA ECIJA, Philippines - – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 39-anyos na misis na hinalay muna saka isinako nang buhay ng di-kilalang lalaki na sinasabing adik sa droga at inihulog sa ilog hanggang sa malunod kamakalawa sa Purok 4, Barangay Villarosa, bayan ng Licab, Nueva Ecija. Kinilala ni P/Senior Insp. Ador S. Depnag, hepe ng Licab PNP ang biktima na si Marietta Isona ng Purok 6, Barangay San Cristobal sa nabanggit na bayan.Kinumpirma rin ni P/Chief Insp. Reynaldo Dave, medico-legal officer na ang biktima ay positibong ginahasa at may sustained abrasions sa kanang balikat. Maging ang pagkamatay ng biktima ay sanhi ng asphyxia due to drowning.

Show comments