^

Probinsiya

Totoy utas sa killer trak

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - – Maagang namatay ang 11-anyos na totoy habang kritikal naman ang kasama nito makaraang salpukin ng trak ang kanilang owner-type jeep sa kahabaan ng highway sa Barangay Cabilang Baybay, bayan ng Carmona, Cavite kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Jaypee Maglalang habang kritikal naman si Josie Marcellano, 40, kapwa nakatira sa Barangay Osorio, Trece Martirez City, Cavite. Arestado ang drayber ng cargo truck (RHS 200) na si Roberto De Guzman, 33. Sa police report, lumilitaw na nag-red signal ang traffic light kaya huminto ang owner-type jeep (NBK 532) na minamaneho ni Felix Inocencio kasama ang dalawang biktima. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay sinalpok ng trak ang likurang bahagi ng jeep ng mga biktima kung saan tumilapon palabas ang bata kung saan lumagapag sa sementadong kalsada. Sa presinto, inamin ng drayber ng trak na nakaidlip siya kaya naganap ang sakuna.

vuukle comment

ARESTADO

BARANGAY CABILANG BAYBAY

BARANGAY OSORIO

CARMONA

CAVITE

FELIX INOCENCIO

JAYPEE MAGLALANG

JOSIE MARCELLANO

ROBERTO DE GUZMAN

TRECE MARTIREZ CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with