MANILA, Philippines - Labing-apat na katao, kabilang ang dalawang dayuhan, ang kumpirmadong patay matapos mahulog ang isang pampasaherong bus sa 120-metrong bangin sa Mountain province ngayong Biyernes.
Nakilala ang mga nasawing dayuhan na sina Alex Acres Loring na taga-Canada at Anne Van de Van ng Netherlands.
Kabilang din sa mga patay sina Marcial Bernard Jr., Andrew David Sicam, Natividad Ngawa, Gerald Baja, Arvin Jimenez at Ana Alaba. Anim sa mga nasaw ang kinikilala pa ng mga awtoridad.
Binabagtas ng Florida Bus (TXT 872) na may sakay na 40 pasahero ang national road sa Bontoc malapit sa boundary ng Ifugao at Mountain Provine nang mahulog ang bus sa bangin bandang 7:20 ng umaga.
Kabilang naman sa mga sugatan sina Alexander Longadey, 42; Aloy Atin, 24; James Papsao, 38; Carina Javier, 38; Basilan Miluardo Baranhuat, 43; Abegail Sicam; Edgar Ramon, 30; Robert Conrado, 45; Natty Bang-I, 57; Kristina de Leon; Christian Cavardo, 34; Bernard Burnhard, 25; Camille Osorio, 28; Melchor Suagen, 22; a certain Cudiamat, 27; Teresita Sawad, 51; Silvestre Dawey,22; Agung Sicam, 7; Jerymiah Agnapan, 34; Winslaw Carino, 30; Michelle Legrito, 27; don Chavez, 30; Jason Melchor, 38; Charlie Sta Maria, 32; Peng Cordove, 32; Olivia Aglipay, 27; a certain Ammik, 32; Estrella Embede; Demetria Danilo; at Christian Sebrevilla.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan sa pagkahulog ng bus sa bangin.