P.4-M nilimas sa review center

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines   â€“ Umaabot sa P.4 milyong cash ang naglaho matapos tangayin ng  babaeng katiwala sa review center ng mga kliyenteng Nurse sa bayan ng Bantay, Ilocos Sur ayon sa ulat kahapon. Pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Remelyn Mimi Advincula Tabucol ng Vigan City, Ilocos Sur. Si Tabucol ay tumatayong katiwala ng IELTZ Review Center  sa Bantay Arcade sa nabanggit na bayan. Nadiskubre ang panloloko ng suspek matapos magreklamo ang ilang registered nurse na nagbayad ng P10,000 kay Tabucol kapalit ng trabaho sa ibang bansa.

 

 

Show comments